SIDELINE
Sa ating buhay, dumarating ang mga panahong kusang dumarating ang mga pagkakataong sumusubok sa ating katatagan para iwasan ang tukso sa ating paligid. Ma-babae o ma-lalake, ay dumarating ang pagkakataong kumakatok ang tukso. May iba-ibang paraan ang tukso. May iba-ibang bahagdan. At iilan lamang sa kasalukuyang estado ng ating pamumuhay at sa lipunang ginagalawan ang nakaka-iwas sa tukso. Lalo pa kung parang nanadya ang pagkakataon.
May para-legal seminar ako noon sa Tagaytay. Isa akong kalihim ng aming labor union. At ako ang inatasan ng aming union president na dumalo sa seminar, sa halip na siya. Nang panahong iyon ay bago pa lang ang cellphone. Kalalabas pa lang ng Nokia 3310. At sa kumpanya na pinapasukan ko bilang bodegero, ay syempre pa, ay maraming naki-uso. At isa na ako doon. Nangutang pa ako sa kooperatiba namin, para maka-bili ng cellphone.
May asawa na ako noon, at nasa apat na dekada na ang edad ko. At nasa kolehiyo na ang panganay ko.
Nang pauwi na ako mula sa Tagaytay, natrapik kami sa junction pababa na patungong Maynila. Naubos ko na basahin ang binili kong Tempo, pero di parin umuusad ang bus na sinasakyan ko. Nakatihan kong kunin sa dala kong paper bag ang isang sign pen na ibinigay sa amin sa seminar. Sinulatan ko ang likuran ng upuan ng bus na nasa harap ko ng sign pen.
“For what then is LOVE without loving you…And what are my dreams for, if they are not such dreams of you?” Ito ang isinulat ko doon. At pinirmahan ko at inilagay ko ang numero ng cellphone ko.
Tamang-tama naman, na halos ...
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





