HALO-HALO

Si Rey na ang ka-sparring ni Doro sa tagay matapos siyang makalipat sa Sibuyan. At si Ising naman ang naunang babae na nagkaroon sa kanya ng kaugnayan. Sundan natin ang pangalawang episode sa buhay ni Doro. At dito ay nakilala nya ang pangalawang babae na sisira sa sumpa nya na kakalimutan na nya ang mga babae.

..

“Katoliko ka ba Dors?” Tanong sa akin ni Rey.

Saglit akong natigilan sa tanong nya. Kay tagal ko ngang nakalimot sa pananampalataya ko. Ako ang masasabing ehemplo ng isang sarado-katoliko. Sarado kasi ang isipan ko sa aking relihiyon. Kasi naman, sa dami ng napasukan at nasamahan kong sekta, parang sa tingin ko ay pare-pareho lang ang ang mga relihiyon. Pare-pareho din namang papunta sa Dyos ang mga iyon. Mas mahalaga ang pananampalataya, kesa sa relihiyon.

 

“Bakit mo naman naitanong, “ Tanong ko kay Rey.

“Birthday ko kahapon di ba, so magsisimba ako sa Linggo, baka gusto mong magsimba rin,” Sabi nya.

Natitigan ko bigla ang bagong buddy ko sa tunggaan.

“Talagang mahirap masalamin ang tunay na ugali ng tao,” Yun ang naisip ko.

“Relihiyoso din pala ang bago kong ‘igan sa tagay,” Naisip-isip ko.

 

Tags

REPORT ABUSE

What's Your Reaction?

Due to the nature of this site, you must be logged in to react.

like

dislike

love

funny

angry

sad

wow