Alab Ng Puso (Chapter 10)

..

NASASABIK. Nakatayo sa gitna ng arawan sa gilid ng kalsada sa tapat ng simbahan kung saan kami ikinasal ng aking asawa. Hinihintay ang pagsundo ni Miguel. Baon ang isang duffle bag na puno ng aking damit. Isang linggong mawawala si Anthony kaya't eto kami at sasamantalahin namin ni Miguel ang pagkakataon.

Iniwan ko muna ang aking anak kay Joyce. Mabuti na lamang at hindi na siya masyadong nagtanong sa aking mga plano bagama't ramdam ko sa kanyang mga tingin ang paghihinala.

Ilang sandali pa ay natanaw ko ang kotse ni Miguel. Nagalak akong bigla sapagkat magkakasama na din kami ngayon ng walang iniintindi. Paghinto ng sasakyan ay binuksan ko ang likurang bahagi na pinto upang isakay ang aking gamit.

Ngunit laking gulat ko ng makita si Rigor na nakasakay din sa harapan kasama ni Miguel.

"Hi Jade! Sakay na dali! Ng makarami?"

REPORT ABUSE

What's Your Reaction?

Due to the nature of this site, you must be logged in to react.

like

dislike

love

funny

angry

sad

wow